FINANCIAL CONTROLLER

This is supposed to be “Life Lately” post pero sa dami ng nangyari lately, I am sure na magiging mahaba ang post ko. So nag-decide ako magpost – siguro everyday or kapag nasa mood or worst, kapag may time. If you are a fellow follower of my blog, nagtataka siguro kayo kung bakit ganito yung post ko. Hindi naman kasi puro fashion lang ang alam ko sa buhay, haha. Bakit? Hindi na ba ako pwede o bawal na ba ako magpost sa blog ko ng nararamdaman ko? Sabi ko dati sa post ko, hindi ito more on fashion -minsan lang siguro kapag naisipan. I can also freely write in to this blog kung ano man yung nararamdaman ko. Eto nga yung sinsabi ko dati na “trust issue”. O sige na, proceed na.

Hindi ito tungkol sa kung ano ibig sabihin o pagkakaintindi ko dun sa title. Hindi rin to tungkol sa job searching. At lalong hindi ito tungkol sa aking promotion sa trabaho(asa naman). Tungkol to doon sa financial controller namin este “acting” financial controller kasi natatandaan ko na nagsabi siya na “I won’t accept the title of being the financial controller of this company” – o di ba, pa humble pa si Ate. I don’t know if ganun lang talaga ugali ng mga Sri Lankan. Siguro magkaiba lang talaga kami. Pero meron akong naging co-office worker from Fiji pero sobrang bait niya and wala naman kaming naging work issue or nagkaroon kami ng problem while he is still working.

So eto nga yung nangyari. Nagbakasyon kasi ako sa Pilipinas for 10 days just to celebrate the holyweek kasi that’s the best time na pwede ako magleave and also to visit the whole fam. I know I have notified everybody in the office especially yung manager ko from the new department na nilipatan ko na magbabakasyon ako. Sinabi ko din sa boss ko magwowork ako kahit nakabakasyon ako pero my manager insist na huwag na at i-enjoy ko yung vacation ko. I tried naman na magwork kahit nakaleave ako just to catch up and answer customer’s query pero limited time lang ’cause I have to do some personal errands in regards with my family. Naisip ko na 10 days lang vacation ko kaya sulitin ko na.

Nakabalik na ako from my 10 days vacay and that was easter Sunday. I have one more day to rest kasi dito sa PNG holiday yung Monday. And then Tuesday, I’m back to work. Expected ko na yung hassle kasi madami akong namiss at may mga need akong matapos na mga postings(yung mga nasa account department lang makakaintindi ng sinasabi ko). I am trying my very best para makahabol pero hindi ko kaya. May mga disturbances din from all the staffs especially sa Big Boss namin. So on the next day, that was Wednesday, nakareceive ako ng email from the “financial controller”. I know ako yung pino-point out niya sa email. Questioning, bakit hindi updated ang posting ng receipting for 1 week. Hello, nagbakasyon ako, hindi ba kita nasabihan? So sumagot ako sa email niya. Naiinis na ako nun per0 mas pinili ko pa din na huwag na. Hindi niya ako maintindihan na “give me some time”. Ano ba naman yun na hayaan niya na muna ako pero iniinsist niya na dapat inendorse ko yung trabaho ko sa iba bago nag-leave. Hindi ako pwede magrely sa iba para gawain trabaho ko kasi may mga kanya-kanya kaming trabaho -priorities . So ano ang assurance ko na mapa-priority ng iba ang trabaho ko? Haha, alam niyo bang hindi pa din siya nakaintindi? So hindi na lang ako nagreply sa email niya kasi hahaba pa.

Natapos ko na si posting. I think that was Thursday. Kahit papano nabawasan yung stress sa akin ’cause I know she’ll going to stop emailing me asking this and that. Siya kasi yung tipo na nag-aantay na lang na matapos kami. Haha sana tinutulungan niya ako no?

Friday when I want to update the XL record of our cash flow. Naka-save yun sa folder under my name means a personal file of mine. Pag-open ko ng spreadsheet, I’ve noticed some changes, there are some additional columns. Isa lang yung pumasok sa isip ko na pwedeng gumawa nun, sino pa edi si “financial controller”. So I immediately ask our Big Boss kung in-authorize niya si “FC” na galawin yung cash flow report. Tinawagan agad ni Big Boss si “FC” sinabihan na huwag pakielamam file ko. In the afternoon nag-email siya sa akin at sa Big Boss namin na huwag daw namin siya i-misunderstood may purpose daw yung ginawa niya. I answered her email, na if she needs any file or report from me, she can always ask me and I am willing to give what she needs with no hesitations. Nakaka-frustrate kasi yung nangingelam ng file without my consent. Naiinis ako pero pinigilan ko ulit sarili ko. Naisip ko that time na lagyan na ng restriction yung file ko for others not to access it.

Naisip ko lang, di talaga mawawala sa work environment that kind of people. May makakabangga ka talaga. But this is the verse that always comes in my mind,

– E N D O F S T O R Y-

Advertisements

Author: lingoongeung

Lin. 20+ Crazy Cat Lady. Traveler. Stylist Wanna Be. Frustrated Photographer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s