BULINLIN DIARIES 11.08.16


Mema……. as in MEMABLOG lang. Araw-araw ko sinasabi sa sarili ko na magba-blog ako pero ending, nakakatulog ako. Medyo nagtaka nga ako ngayun at hindi pa ako nakakatulog. Kaya naisip ko na maggawa ng series para sa mga “random thoughts” ko. Taglish po muna tayo para madaming makarelate. Sorry sa title pero ipaliwanag ko sa inyo kung bakit.

Bulinlin as in childhood name ko na hanggang ngayun ay tawag pa din sa akin ng mga malalapit na kamag-anak ko. Sa mga hindi nakakaalam at gusto malaman(as if naman may paki kayo sa akin) yan po ang tawag sa akin ng nanay ko at mga tita ko. Hindi ko alam saan nila nakuha ang idea na yan, haha.

Diaries as in from word diary. Naaalala ko noong Elementary ako at High School na mahilig ako bumili ng mga notebook na yung papel niya may mga designs tapos ginagawa ko siyang diary. Oo mahilig ako magsulat noon sa diary. Sinusulat ko yung mga bawat nangyari noong araw na yon(corny ko ba?) Hindi ko na nga alam nasan na nga ang mga yun. Siguro napatapon na nung lumipat kami ng bahay. Ngayun medyo hi-tech na. May blogspot at wordpress ng nagagamit kung meron kang gustong isulat. Kung nagbabasa kayo ng blog ko, nabasa niyo siguro yung iba ko post ay tungkol sa fashion. Pero minsan nakakapagpost naman ako ng thoughts, hihihi.

Expect niyo sa series na to na yung content Random Thoughts – yung tipong bigla ko na lang maiisip o kung ano nangyari sa buong araw. Kagaya nung nangyari kaninang umaga.

Yung ginamit kong photo ay kuha ko kaninang umaga habang papasok ako ng trabaho. Kung fina-follow niyo ako sa Instagram, ay malamang alam niyo na kung anong nangyari. Yung katrabaho ko, palagi kami sinusundo at hinahatid. Ako palagi nakaupo sa unahan(katabi ng driver). Hindi ko alam pero kasi nakasanayan ko na palagi akong titingin sa salamin(sa bandang harap ko). Gusto ko kasing tignan kung pantay ba pagkaka-arko ng kilay ko(kilay goals sabi nga) o kung may muta pa ako(sorry ha). Siguro napansin yun ng katrabaho ko kaya naisip niya na pagtripan ako. Naglagay siya ng sticky note na may nakasulat na “Relax, you are beautiful enough. Stop looking at me”. Nabasa ko to nung gagamit ako ng salamin. Sobra niya ako pinagtawanan kahit ako tawang-tawa sa sa sarili ko. Napaisip tuloy ako na naging habit ko na pagsasakay ko ng sasakyan niya, ay palagi ko binubuksan yung salamin. Sinabi niya sa akin na matagal niya na daw pinagpaplanuhan yun pero nalilimutan lang daw niya. Yung nga kanina, nag-succeed siya.

Kayo, may nakakatawa ba kayong na-experience ngayun?

Yan lang muna siguro ang kwento ko ngayun. Medyo late na at kailangan ng matulog ng katawang lupa ko, lol. Sa totoo lang nakakapagod ang trabaho ko. Inaantay ko talaga yung bongga kong bakasyon. Oo, tama kayo. Magbabakasyon ako, pero sikreto ko muna kung kailan, hahaha. Share ko na lang sa next blog ko.

💛

Lin

Advertisements

Author: lingoongeung

Lin. 20+ Crazy Cat Lady. Traveler. Stylist Wanna Be. Frustrated Photographer

6 thoughts on “BULINLIN DIARIES 11.08.16”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s